One Pretty Mommy :-)

A Mother and Son's journey that is full of love, care and happiness even without a husband and a father's love...

About Me

a lovable mommy who loves her son so dearly and will fight for him until the end... a woman who has a lot of love to give to her son, to her family and to her friends...

About AJ

bubbly little boy who is very affectionate specially to mommy... He loves to play, eat and then sleep... He loves dinosaurs and animals :-)

So many questions


Bebe and I just finished watching the movie "The Water Horse", there's this scene in the movie wherein the father talks to his son then they went fising then they played together...then my bebe ask me again..

AJ: Ma asan na daddy?
Mommy: di ba alam mo naman asan si daddy beh?
AJ: Opo nasa guam, work siya
Mommy: tama beh..gusto mo uwi na siya?
AJ: ayaw ko na uwi siya
Mommy: bakit naman beh?
AJ: kasi galit ako sa kanya..
Mommy: bakit ka galit kay daddy?
AJ:  kasi di siya uwi, di kami punta SM eh
Mommy: dapat hindi ka nagagalit kay daddy ha beh
AJ: ok po 

My son misses his dad, I can feel it but what can I do? I can't just call his dad to say that please go home...ang daming commercials na about father and son, naglalaro sila together, kumakain ng sabay and pag napapanood ni bebe ko lagi niyang tinatanong bakit wala daddy niya...I just pray that when the time comes na madami ng tanong si bebe, I can answer all his questions and that he will understand why me and his dad had go on separate ways.




Forever Nursery


It is exactly 12midnight but my bebe is still up and super kulit pa, ayaw daw matulog eh.

Mommy: beh ang galing noh tapos na nursery mo, junior kinder kana niyan
AJ: ay ayaw ko mommy, gusto ko nursery lang ako

Whaaaat!!! ayaw daw ni bebe ko na maging JK, hahaha...

Mommy: don't worry beh sabi ng mommy ni bea classmate pa kayo niyan kahit JK na kayo kasi hindi daw siya lilipat ng school...
AJ: are you sure mommy?
Mommy: hahahhaa sure na sure beh
AJ: ok sige JK na ko

hahhaa si bea lang pala ang dahilan eh, hahaha

My cute bebe bear



17 hours not being with my bebe seems forever na..miss him so much..sorry that mommy will miss your dance presentation my cute bebe bear and worse mommy can't be with you when they give you the most generous award eh kanina lang nalaman ni mommy beh, I'm 680 kilometers away from you at hindi na ko makakabalik..kung nalaman ko lng sna agad di na sana ako umalis...If I had enough money talagang I will book a flight back bebe ko kaya lang wala na pamasahe si mommy eh beh. 

SORRY ULIT BEBE KO...LOVE YOU AND I MISS YOU




Final Exam ni bebe

February 26-28, 2013 was the scheduled given to the pre-elementary pupils and the top ten students of Dominican School to have their final exams.  Last week I was so busy doing reviewers for my bebe and my pamangkin Timothy for them to review a week before the final exam.

My mom was in-charge to review my bebe and not me, why? kase pag ako ayaw mag focus ni bebe eh kasi alam niya pagbibigyan ko siya pag sinabi niyang ayaw na niyang mag review, kaya yan walang lusot si bebe kay MAED hahaha.

On the first day of the exam mas kabado pa ata ako kay bebe, kinakabahan ako na baka wala siyang maisagot kasi bigla siyang nagkaubo at sipon, so sabi ko sa kanya pagbutihin niya and listen carefully to Sister Erlinda and Teacher Rose sabi naman niya opo daw alam na niya ang test niya.  Pag-uwi sa bahay sabi ni bebe nasagot daw naman niya, sana nga po..hahhaa

On the second day and third day ganon pa din and paalala kay bebe ko at of course lagi kong sinasabi na "kaya mo yan" para ma inspire hahaha...

At last natapos na ang exam, binigay na ni Teacher Rose ang mga test papers and I was so happy to see my bebe's testpapers kasi matataas nakuha niyang scores, sayang lang hindi ko na scan kasi kinuha agad ni Teacher eh....

Math - he got 100, a perfect score! Job well done bebe ko
Language - he got one mistake only! Very good bebe ko
Reading - 4 mistake..very good bebe ko
Christian Living - 6 mistakes, ayos pa rin yan bebe ko proud parin si mommy
Filipino - 7 mistakes,  ayos parin bebe ko, naiintindihan naman ni mommy na nahihirapan ka talaga sa Filipino..

Sulit lahat ng pagod at pagrereview bebe ko! I'm so proud of you!


Diet ka na beh!



hirit ni bebe

mommy: diet ka nga beh ang taba taba mo na baka hindi ka 

       makahanap ng gf niyan..
AJ: bata pa ko ma weh wla ako gf...

hahaha pahiya si mommy..sorry naman beh bka lng mahirapan kang mag diet eh at bka wlang magkagusto pag mataba ka...hhahahha



Just a thought:pag binata na si bebe ko maging mabait na mommy kaya ako sa mga liligawan niya? hahahha

The new apple of the eye

Meet my son's new apple of the eye, his pink monkey! This monkey was from his tita ninang Jenina (my elder sister).  Wherever my sister goes she have this pink monkey on her back but she decided to give it to my bebe, parehas kasi sila na pink ang favorite color.

At first AJ doesn't  seem to like his pink monkey, di mam niya pinapansin or nilalaro but then after 2 to 3 days aba lagi na niyang kasama si pinky (tawag namin kay pink monkey) kahit san siya magpunta.  Basta pink love talaga ni bebe ko :-)



Lipstick


Ginabi si mommy ngayon....

AJ: tagal mo ma miss ko ikaw! lika kiss mo ko..
Mommy: wait lang beh may lipstick si mommy malalagyan ka..
AJ: ok lang yon ganda lipstick weh!

whaaaa! patay tayo dyan nagagandahan sa lipstick! hehehhe


Ang Lubid :-)

AJ asked me to buy him a "duyan", gusto daw niya kasing magduyan ng malakas kasi presko so when I saw one in the market binili ko na agad without asking for a discount, gusto ni bebe eh hindi naman masyadong mahal.  Pagdating sa bahay pinakita agad kay bebe, he was so happy and excited kaya nangungulit na ilagay na kaya lang we still have to wait for Dadad para siya maglagay ng lubid sa duyan para mas matibay.  We waited for Dadad to come home then pagdating niya wala pala kaming lubid kaya umiyak si bebe ko sobrang excited kasi eh.

The next day Dadad found a rope, sa wakas malalagay na ang duyan ni bebe.  Habang inaayos nila ang lubid sabi ni bebe...

AJ: Dadad ano yan?
Dadad: lubid para sa duyan mo
AJ: ah lubid yan tapos sa english tali!
Dadad: hnd rope sa english
AJ: weh????

hahaha tali noh beh ayaw maniwla.ni dadad, daming tawa namin sayo bebe ko.



The shirt says it all!

"This is what HANDSOME looks like" are the words that was written to his shirt, a shirt given to him by her ninang April last Christmas!  This is one of my favorite shirt for my bebe kasi kahit color red hindi naman siya lalong umitim just like his other red shirts plus the print na bagay sa handsome kong bebe, lol...

This picture was taken on our Parish Church, Sta Rita De Casia after we heard the 6:30 mass.  I asked bebe  to pose and smile para makita ni ninang na sinuot na niya yung shirt and pumayag naman na magpa picture buti na lang walang topak! hahaha


Picture Addict!


aj: mommy dali tgnan mo ko!
mommy: ay oo bagay
aj: dali picture mo ko

hahaha adik n din sa picture si bebe ko! dati ni hindi ayaw niyang magpa picture yung tipong pipilitin mo pa talaga bago mo ma take ang picture niya but now look at him siya pa talaga nagaaya na kuhanan siya ng picture...nice smile my bebe!


BEADS



aj while playing his beads
Lola Dhay: naku aj pang girl yan eh, girl ka ba?
AJ: lalake ako hnd girl...sabay takbo kay mommy
Aj: di ba mommy lalake ako?
Mommy: Oo naman beh
AJ: tapos bukas babae ako?
Mommy: naku! hnd beh araw araw lalake ka hnd ka magiging babae
wahahahah