
Linggo ng Wika
Tuwing buwan ng Agosto ng kada taon ay ipinagdiriwang dito sa Pilipinas ang Linggo ng Wika. Ito ay ipinagdiriwang para maipakita o maipahatid kung paano kahalaga ang wikang Filipino bilang pambansang wika. Madaming paaralan ngayon ang nagdiwang, ang iba ay nagsayawan, nagkainan at nagkaroon ng mga paligsahan.
Sa paaralan ng aking anak ay hapon ang pagdiriwang subalit pagpasok pa lang ng mga mag-aaral ay nakasuot na sila ng kani-kanilang mga baro't saya o kaya naman ay barong.
Ako ay nagpaalam sa opisina na ako ay mahuhuli sa pagdating dahil gusto kong ihatid ang aking anak sa eskwelahan, hindi man sila kasali sa programa ay pinagsuot parin sila ng camisa de chino bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Ako ay may nakatagong baro't saya kaya naisipan ko munang isuot kahit sandali lamang para magpakuha ng larawan kasama ng aking pinakamamahal at pinakagwapong anak. Madami ang natawa sa aking ginawa pero ayos lang yon dahil masaya ako na napatawa ko kayo at bumagay naman sa aming mag-ina ang aming mga kasuotan.
"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala." "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala." Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal.